OFWs dismayado sa tulong ng OWWA para sa mga nasalanta ni Ompong, Migrante humirit na dagdagan ang P100 million pondo

Umuwing luhaan at dismayado ang libo-libong OFW at pamilya na nagtungo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Field Office sa Ilagan, Isabela para kumuha ng tulong pinansyal para sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

 

This slideshow requires JavaScript.

Ayon kay Chris Pacis Fiel, residente ng Brgy. Marana 1, Isabela at Provincial Coordinator ng grupong Migrante, ilang araw na silang nagpapabalik-balik sa OWWA subalit application form pa lamang ang naibibigay sa kanila ng tanggapan.

“Perwisyo lamang ang inabot namin. Agarang tulong ang kailangan namin subalit gutom lang din ang ibinigay nila. Para sa halagang P3,000 pababalik-balikin kami. Pagagastusin din. Ito ba ang kanilang iniyayabang na pagmamalasakit?” ani ni Fiel.

Si Fiel at ang mahigit isangdaan kasamahan mula sa iba’t ibang bayan sa Isabela ay nagsimulang magtungo sa OWWA noon pang Martes. Aniya, halos mawalan na ng ulirat ang ilang mga aplikante dahil sa dami ng tao at kawalan ng maayos na sistema.

Ayon pa kay Fiel, kung maipasa man nila ang aplikasyon, wala daw linaw kung kailan ibibigay ang cash assistance dahil wala pa daw pondo. Hindi rin malinaw kung lahat ba ay tatanggap ng P3,000 dahil may mga sinasabi ang mga nasa tanggapan na ang iba ay tatanggap lamang ng P1,500 kung hindi na “active member” ng OWWA.

Noong September 16 ay ipinamalita ng OWWAna naglaan ito ng P100 million pondo sa ilalim ng Welfare Assistance Program (WAP) para sa mga pamilya ng OFWs na nasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon sa grupong Migrante, “halatang hindi pinag-isipan ng husto ng pamahalaan ang pagtulong sa mga nasalanta. Inuuna ang pagpapa-pogi kaysa aksyunan ang kagyat na pangangailangan ng OFWs at pamilya.”

Humirit ang grupong Migrante na dagdagan ang pondo dahil 30,000 lang ang kayang mabiyayaan ng calamity assistance sa pondo na P100 million. Ipinunto nila na kapos na kapos ito dahil sa lawak ng apektadong lugar. Region II at Cordillera Admistrative Region ang naiuulat na pinakanasalanta ni Ompong.

Ayon sa datos ng OWWA, noong taong 2016 ay may 146, 335 OFW members ito. Pinakamalaki sa Isabela na may 64, 424, sunod ang Cagayan na may 53, 309.

Maliban sa dagdag pondo, hinamon din ng Migrante ang OWWA na isapubliko ang implementing rules  at maging transparent sa paggastos ng naturang pondo dahil pondo ito ng mga OFW.

####

Watch the coverage of Bombo Radyo at the OWWA Regional Office at Tugegarao, Cagayan: https://web.facebook.com/pbsdzgr/videos/1358607977608288/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s