Giit ng Migrante Saudi Arabia sa gobyerno ng Pinas: Pauwiin ang 6,000 distressed OFWs bago mag-Pasko

Iginiit ng grupong Migrante – Saudi Arabia ang agarang pagpapauwi ng gobyerno ng Pilipinas sa mahigit 6,000 distressed OFWs. Hiling ng mga OFW ay mapauwi sila bago mag-Pasko.

This slideshow requires JavaScript.

Ayon sa Migrante humigit kumulang sa 1,500 ang bilang ng mga stranded OFW sa Jeddah, 1,600 sa Riyadh at 3,000 sa Al Khobar kabilang ang mga Pilipinong manggagawa ng Azmeel Contracting Company. Dagdag pa dito ang mga “undocumented” na hindi rin inaaksyunan ng pamahalaan ang kanilang pagpapauwi.

Ang mga problema ng mga OFW ay inihapag ng Migrante sa pamahalaan sa isang dialogue sa Riyadh noong October 19 kasama ang mga kinatawan ng mga apektadong OFW. Sa kabila ng presensya ni OWWA Administrator Hans Cacdac, dismayado ang grupo sa hindi pagdalo ni DOLE Secretary Silvestre Bello III at Ambassador Adnan Alonto.

“Hinahamon namin si Sec. Bello na palawigin ang pangako nitong tulong sa mga taga-Azmeel para maisama ang iba pang stranded kagaya ng OFWs sa Hidada Contracting Company sa Jeddah, Al Samama Group of Companies sa Riyadh, pati ang mga nasa Bahay Kalinga at deportation centers,” ayon kay Rodel Macalintal ng Migrante KSA.

Noong nakaraang October 16, nagtungo si DOLE Sec. Bello sa Saudi Arabia at iba pang mga opisyales ng OWWA, DSWD, DOH at DFA sa Al Khobar matapos lumaganap sa social media ang kalagayan ng mga apektadong OFW sa Azmeel Contracting Company. Napabalitang mahigit sa 1,470 OFWs ang naiipit ngayon sa riot dulot ng strike ng mga manggagawa. Naiulat na 4 hanggang 5 buwan na ang pagka-delayed ng sahod ng mga manggagawa sa nasabing kumpanya.

Sa monitoring ng Migrante, ganito rin ang kalagayan at panawagan ng mga stranded OFW ng Hidada Contracting Company sa Jeddah na mahigit isang taon na mula nang umapela sila sa gobyerno subalit wala pang linaw hanggang sa ngayon ang kanilang pagpapa-uwi. Ayon sa mga manggagawa, hindi na matapos-tapos ang problema sa pagpapasahod ng kanilang kumpanya.

Gayon din ang sinapit ng mga kababaihang OFW ng Al Samama sa Riyadh na ilang buwan ng hindi pinapasahod at walang mga iqama.

“Nanawagan din ang mga OFW sa loob ng Bahay Kalinga ng POLO at Philippine Embassy na sila ay bigyang atensyon ng pamahalaan na tila nagtutulog-tulugan sa kanilang mga hinaing. Patuloy na dumaragsa ang bilang ng mga distressed at stranded OFW sa mga deporation center at temporary shelter na nangangailangan ng agarang tugon ng gobyernong Duterte na sila ay mapauwi,” dagdag ni Macalintal.

Sa dialogue iginiit din ng Migrante na pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng financial aid sa mga pamilya ng stranded OFWs at huwag gawing “selective” ang pagbibigay ng tulong. Nilinaw din nila na hindi sapat ang electronic email response sa kada kasong kanilang inihahapag sa Philippine Embassy. Hamon ni Macalintal, “kung tunay ang kanilang malasakit, dapat mabigyan ng kagyat na tugon ang mga kaso na naihahapag sa kanilang tanggapan.”

 

———————————

 

Reference:

 

Rodel Macalintal

Spokesperson

Migrante – Kingdom of Saudi Arabia

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s