Petition for OFWs: #OFWAssistanceNow

Kami, mga nakalagda, ay nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas sa pamumuno ni Pang. Rodrigo Roa Duterte: tulong pinansyal sa mga Overseas Filipino Workers, ilabas na!

Dahil sa Covid-19 pandemic, napwersa ang mga host countries ng mga OFW na magpatupad ng mga quarantine at lockdown, na saklaw maging sa mga manggagawang migrante. Katulad sa Pilipinas, maraming kumpanya sa mga bansang ito ang apektado.

Dahil dito, maraming OFW ang natanggal sa trabaho, delayed ang sahod, at nalagay sa forced unpaid leave at “no work, no pay.” Mayroon ding may mga kontrata at tourist visa na nagtapos sa panahon ng quarantine at lockdown.

petApr

Maraming OFW sa gayon ang nawalan ng pera para magpadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Nawawalan na rin sila ng pera para mabuhay sa kanilang host countries: pambili ng pagkain at mga pangangailangan, at pambayad sa renta.

Nagbigay ng pag-asa sa maraming OFW at kanilang pamilya ang pangako noong Marso 25 ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magbibigay ng tulong pinansyal na USD 200. Dahil hindi pa lumalabas ang nasabing tulong hanggang ngayon, marami na ang dismayado, kung hindi man galit. Inulit ni Bello ang pangako nitong Abril 8, at dapat nang tuparin iyan.

Mariin naming ipinapahayag ang aming pagtutol sa pahayag ni Labor Secretary Silvester Bello III, na ang mga OFW lamang na nawalan ng trabaho ang makakatanggap ng tulong pinansyal. Ang ayuda ng pamahalaan ay dapat ibigay sa lahat ng mga apektadong Migranteng manggagwa – dokumentado man o undocumented.

Hinihiling namin ito kasabay ng panawagang umaksyon ang gobyerno sa Pilipinas: protektahan ang mga frontliner sa pagpapalakas sa mga pampublikong ospital, tulong pinansyal para sa mga mamamayan lalo na sa mahihirap na nananatili sa mga bahay, at igalang ang mga karapatang pantao.

Gaya ng alam ng lahat, sa loob ng maraming dekada, ang remittance ng mga OFW ang nagsilbing salbabida ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa Covid-19 pandemic, nasa isang sitwasyon tayo kung saan ang mga OFW naman ang nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Dapat tutugunan ng gobyerno ng Pilipinas ang responsibilidad nito sa mga mamamayan sa labas ng bansa, at nang agad-agad.

Ang aming panawagan , mga OFWs na dapat bigyan ng ayuda:

– OFWs naka “No Work, No Pay”.
– OFWs na distressed at undocumented.
– OFWs na nasa loob ng shelter’s -BAHAY KALINGA, SSWA at POLO shelter’s.
– OFWs na nakatira sa malalayong lugar outside towns and cities, mga nakadestino sa mga disyerto sa Gitnang Silangan.
– OFWs na nakakulong sa petty crimes at OFW on Death row.
Mabigyan ng ayuda prioridad ang pamilya ng mga OFWs na nasa Pilipinas (mass testing, free face mask, libreng medical check-up, libreng gamot at cash or in-kind goods)
– Libreng Matrikula (Tution Fee) o wala ng babayaran pa sa mga schools ang mga anak ng OFWs sa panahon ng COVID-19.
– Bigyan diskwento o walang babayaran ang mga pamilya ng mga OFWs sa mga Bills kagaya ng Kuryente, Tubig etc..sa panahon na umiiral ang lockdown o ECQ sa pilipinas.

Gutom na po ang mga OFWs at kanilang pamilya sa Pilipinas.
#OFWAssistanceNow #NasaanAngTulong?

Upang pumirma sa petisyon, magtungo sa link na ito: https://bit.ly/2VhJJcp

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s