Urgent Appeal for Tita Mel

MT (1)

12 Agosto 2018

 

Mga kasama at kaibigan,

Ikinalulungkot po naming ipabatid na sinapit ng ating mahal na si Benedicta ” Tita Mel” Pillas Tee ang isang major stroke at kasalukuyan siyang naka-confine sa Emergency Room ng Ospital ng Maynila mula Miyerkoles ng hapon (Agosto 8).

Ayon sa resulta ng CT Scan, may namuong dugo na nagbara sa ugat ng kanyang ulo. Hindi naigagalaw ang kanang bahagi ng kanyang katawan. Hindi siya nakakapagsalita nang kahit na isang salita bagamat nakakakilala at nakakatango pa noong Agosto 9.

Mula umaga ng Agosto 11 ay pinadaan na ang dextrose/pagkain niya sa ilong at ginagamot ang sumulpot na pneumonia. Dahil sa seizure noong araw na ito, nagsagawa kinagabihan ng panibagong CT scan at nakitang lumaki na ang sakop ng stroke sa kaliwang utak nya.

Si Tita Mel na kasama at kapatid ng ating mahal na yumaong si Ka Sol Pillas (Pangkalahatang Kalihim ng Migrante International) ay kumilos mula at sapol sa Migrante nang mahigit isang dekada — nang walang maliw at buong kasigasigan sa kabila ng kanyang edad at karamdaman. Siya ang naiwan na mag-alaga hanggang bawian ng buhay nang magkakasunod ang kanyang mga kapatid na lalake at pinakahuli ay si Ka Sol.

Tayo na ang nalalabing pamilya ni Tita Mel. Niyayakap natin siya nang higit pa sa isang pamilya. Mahigpit na katuwang ng kanyang kaanak ang Migrante.  Bilang full-time at walang-wala ring naiwan sa pag-aabroad ni Ka Sol, nananawagan kami ng tulong sa mga kasama, kasapi, kaibigan ni Tita Mel at ng Migrante ng suportang moral, pisikal at pinasyal para sa pagbawi at pag-inam ng kanyang kalagayan.

Sa mga nais dumalaw, kasalukuyan siyang nasa Ospital ng Maynila ngunit isinasaayos na mailipat sa ward o sa hospital na may Intensive Care Unit (ICU) sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal kay Tita Mel at sa kanyang ipinaglalaban. Makakarating ang inyong tulong-medikal hanggang sa pinakahuling sentimo. Maaaring ipadala ang ating tulong para sa kanyang pangangailangan sa sumusunod na account:

MIGRANTE INTERNATIONAL

Bank of the Philippine Islands (BPI)

Kalayaan Branch

Account Number 1994-0218-06

 

Maraming salamat po. Mabuhay kayo. Padayon!

 

MIGRANTE INTERNATIONAL/PHILIPPINES

150-A Ermin Garcia E. Rodriguez St., Cubao

homeoffice@migranteinternational.org, https://www.facebook.com/migranteinternational

02-9360162/HOTLINE 09212709079

Advertisements