
Mula sa pandaigdigang opisina ng MIGRANTE International, malugod na ibinabahagi ang praymer na ito hinggil sa laban ng migranteng Pilipino para sa P1,200 national minimum wage (NMW) at regular na trabaho sa Pilipinas.
Bahagi ito ng pakikiisa ng mga migranteng manggagawa at mga Pilipino sa ibayong dagat sa pakikibaka ng manggagawang Pilipino sa Pilipinas laban sa kahirapan at patuloy na pagsasamantala at panggigipit ng mga malalaki at monopolyo kapitalistang korporasyon sa pangunguna ng Imperyalismong US kabilang ang kanilang mga kapanalig na mga naghaharing uri sa Pilipinas na kinakatawan ng rehimeng Marcos Jr.
Layon ng praymer na ito na makatulong sa paglilinaw at makapagbigay gabay sa pagtalakay ng mga batayan para sa kagyat na kahilingan at laban para sa pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas. Gayundin, tinatalakay sa praymer na ito ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas at manggagawang Pilipino sa labas ng bansa. Ibinabahagi din nito ang paglilinaw sa ugat ng pwersahang migrasyon o forced labor migration na lalo pang pinaigting ng kasalukuyang rehimen ni Marcos Jr sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers o DMW.
Bahagi din nang praymer na ito ang maikling pagtalakay sa ilang mayor na mga isyus at problemang kinakaharap ng mga migranteng manggagawa sa labas ng bansa. Sa huling bahagi, may mga mungkahing tungkulin na nagsisilbing gabay sa pag gulong ng ating kampanya at laban. Sa huli, inaasahan na magamit ang praymer na ito sa mga grupong talakayan maging online o pisikal, maging pormal o sa mga tambayan ng mga migranteng Pilipino at pag abot sa mas malawak na bilang ng mga organisasyong migrante at maging ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Manggawang Pilipino sa buong daigig, Magkaisa! Isulong ang laban para sa dagdag na sahod at regular na trabaho sa Pinas!
![[Polyeto]: PALAYAIN SI MARY JANE VELOSO!](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/06/FREE-MARY-JANE1-218x150.png)

![[Polyeto]: GERANG AGRESYON NG US-ISRAEL SA IRAN, TUMITINDING TENSYON SA GITNANG SILANGAN](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/03/FOR-PRINTING-scaled-e1774514746902-218x150.jpg)
![[Polyeto]: PALAYAIN SI MARY JANE VELOSO!](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/06/FREE-MARY-JANE1-150x150.png)



