[DZXL News] Migrante International, nanawagan ng mas konkretong suporta sa mga OFW

Sa ika limang SONA ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na July 27, asahang gagawing palamuti nito sa kanyang talumpati ang ambag at sakripisyo ng milyon-milyong OFWs. Ang katotohanan ay ang buhay at kalagayan ng ating mga OFW ay puno ng kahirapan at kawalan ng proteksyon at karapatan sa ibayong dagat.

Bagsak ang grado ni Bongbong Marcos sa pagtaguyod ng karapatan ng mga OFWs. Ang panawagan ng Migrante International, lumahok at makiisa sa tunay na SONA NG MAMAMAYAN at ipaglaban ang pagbabago ng mapagsamantalang sistema.