Muli nating kalampagin ang rehimeng Duterte sa ating panawagan na Ayudang Sapat Para sa mga Migranteng Pilipino at Pamilya lalo na sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng isang oras na awitan handog sa atin ng mga musikerong Migranteng Pilipino at Pamilya. Ang event na ito ay magpapatampok din sa ating panawagan para sa:


1. Php10,000 ayuda sa bawat pamilya ng OFW na nasa loob o labas ng Pilipinas.
2. US$200 ayuda sa lahat ng OFWs na nakauwi o nananatiling nasa labas ng bansa, sea-based o land-based, dokumentado o undocumented na displaced, madi-displace o lubhang nabawasan ang kita dahil sa pandemya, labas sa benepisyong kanilang matatanggap o natanggap sa DOLE-AKAP.
3. Php20,000 ayudang pangkabuhayan sa bawat isang OFW na napauwi sa Pilipinas dahil sa pandemya.
4. Php30,000 badyet para sa pag-uwi sa tahanan, quarantine, swab test at iba pang pangangailangang pangkalusugan ng bawat napauwing displaced OFW.
5. Pagtatayo ng disenteng temporary shelters sa labas ng bansa para sa lahat ng OFWs na nawalan ng kabuhayan at matitirhan dulot ng pandemya.

Para makadalo, abangan kami sa KAMTIN o MIGRANTE International FB page o sa Zoom link sa ibaba sa July 10, 9:30PM PH time:

Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/88994482341…

Meeting ID: 889 9448 2341
Passcode: 118404