Ang bahaging ito ay mga awiting orihinal na nilikha ng mga migranteng Pilipino at kanilang pamilya sa iba’t-ibang dako ng mundo. Inilathala ito bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag nang MIGRANTE International bilang pandaigdigang alyansa ng mga organisasyon nang Migranteng Pilipino. Bahagi ng mga likhang awit na ito ang inilabas na album ng Sining Bulosan na may titulong “Bihag Pa Rin”. Ang Sining Bulosan ang grupong pang kultura ng MIGRANTE International.

Lubhang mahalaga ang pagpapakalat at pakikinig sa mga likhang awit na ito upang patuloy nating mapakinggan at maunawaan ang mga hinaing, suliranin, pakikibaka at pangarap ng mga Migranteng Pilipino at kanilang pamilya para sa isang lipunan na malaya, masagana, may hustisya at walang sapilitang migrasyon.

Ang MIGRANTE International ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nag ambag ng kanilang likhang awit at suporta para mabuo at maging makatotohanan ang proyekto na ito.

ISANG YAKAP NA LANG
Lyrics and Music: Empiel Palma-Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/01-isang-yakap-na-lang-|-sining-bulosan

Isang yakap na lang aking mga anak
Isang yakap na lang mahal kong kabiyak
Ako’y yayao na, ako’y yayao na

At babaunin ko, inyong mga halik
At ang mga ngiting walang kasintamis
Hatid ay pag-asa, hatid ay pag-asa

KORUS:
Malayong lupain aking patutunguhan
At hahanapin ko ating kinabukasan
Na ‘di matagpuan dito sa ating bayan

Gaano mang sakit sa inyo’y mahiwalay
Kailangang magtiis, kailangang magsikhay
Upang mabuhay, upang mabuhay

At kahit ‘di tiyak kung ano’ng naghihintay
Ang tangi kong hangad sana’y magtagumpay
Aking paglalakbay, aking paglalakbay

Ulitin ang KORUS 2X
Ulitin ang unang 2 linya ng Unang Saknong
Ako ay babalik,ako ay babalik,ako ay babalik!

Vocals, Guitar : Empiel Palma
Rain Stick & Traditional Whistle Flute: Jayson Gildore

AKING PANGARAP
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/02-aking-pangarap-|-sining-bulosan

Hindi lang ilan, hindi lang minsan
Silang umaalis sa sariling bayan
Sa bawat araw, sa bawat oras
Libu-libo silang namamaalam
Sa kanilang ama’t ina, asawa’t anak
Sa isang paglalakbay na di natitiyak
Kung anong naghihintay na bukas

KORUS 1
Nangangarap ako ng isang lipunan
Na may pagkalinga at pagpapahalaga
Sa mamamayang lumilikha
Sa lahat ng yaman ng bansa

Sing-higpit ng yakap ng bawat isa
Ang pangangailangang mabuhay
Lungkot at sakit sa puso’t isip
Iiwana’t babaunin sa paglisan
Hanggang huling sulyap luha’y pumapatak
Hanggang huling ngiti dama ang pighati
Habang kumakaway papalayo

Ulitin ang KORUS 1
KORUS 2
Nangangarap ako ng isang lipunan
Na ang bawa’t isa’y laging magkasama
Di pinaghihiwalay ng pangangailan
Para lamang mabuhay

Vocals: April S. Alconis
Guitar: Danny Fabella
Violin: Jonathan Z. Urbano
Cello: Theodore Philip Amper

ANONG KLASENG BAYANI
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/03-anong-klaseng-bayani-|-sining-bulosan

Anong klaseng bayani ang inyong sinasabi
Sa dyaryo at TV ipinagmamalaki
Di namin kailangang tawaging ganito
Di namin kailangan ang papapuri ninyo
Kailangan namin ay respeto
Kailangan namin ay respeto bilang tao

Anong klaseng bayani ang inyong sinasabi
Yaon bang dumaranas ng lungkot at hirap
Sa ibayong-dagat, sa banyagang amo
Ang mga tulad ko ay minamaltrato
Kailangan nami’y katarungan
Kailangan nami’y katarungan

KORUS:
Pagka’t hanggang ngayo’y nagbubulag-bulagan
Kayong naririyan sa pamahalaan
Mga walang silbi, walang pakiramdam
Sa aming paggawa ay nakikinabang

Anong klaseng bayani ang inyong sinasabi
Kayo’ng naging sanhi ng aming pagkaapi
Tigilan na ninyo ang pagkukunwari
At kami’y hindi na palolokong muli
Natututo na kaming lumaban
Matututo pa kaming lumaban

Ulitin ang KORUS

Pagka’t hanggang ngayo’y nagbubulag-bulagan
Kayong naririyan sa pamahalaan
Maghanda na kayong mga walang pakialam
Migranteng Pilipino ngayo’y lumalaban (3X)

Vocals, Guitar: Danny Fabella
Back-up Vocals: Jess Bartolome
Cello: Theodore Philip Amper

Inay
Words by Narcisa Julian

https://audius.co/migintl_music/04-inay-|-sining-bulosan

Nang ikaw ay lumayo at makipag-sapalaran
Lito ang isipan mata ko ay luhaan
Hindi ko alam itong iyong kapasyahan
Tayo ngayo’y maglalayo ang sabi mo’y sandali lang

Sa murang isipan maraming katanungan
Bakit ikaw inay kailangan pang lumisan
Puso ko ay nalulumbay pagkat tayo’y nagkawalay
Ako ngayo’y nag-iisa at nangungulila

KORUS
Hinahanap ko gunita ng ating pagsasama
Masaya kahit may sakit karamay ka
Ngayon ang paligid laging may luha sa mga mata
Kailan matatapos ang pagdurusa

Inay magbalik ka na dito sa aking piling
Ako ay nananabik sa yakap mo at mga halik
Kung dito man ika’y bigo sa’yong mga pangarap
Tayo nama’y liligaya kung tayo’y magkasama

Vocals: Ava Fuertes Danlog (Karatula)
Guitar: Danny Fabella

BIHAG PA RIN
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/05-bihag-pa-rin-|-sining-bulosan

Kung akala n’yo’y malaya na si Angelo dela Cruz
At wala na ang kanyang gapos at pasan-pasang krus
Mali kayo, mali kayo, mali kayong lahat
Kalbaryo niya’y tuloy pa rin doon sa Iraq

Kung akala n’yo’y payapa na si Flor Contemplacion
At mga bulaklak sa puntod niya’y tuluyan nang sumibol
Mali kayo, mali kayo, mali kayong lahat
Siya’y sumisigaw pa rin, katarunga’y hanap

KORUS:
Pagkat sila yaong libong mga Pilipino
Inaapi’t dinadahas sa ibayong dagat
Mga bihag ng kawalan at ng lipunan
Biktima ng pabayang pamahalaan

Kung akala n’yo’y naghilom na kay Sarah Balabagan
Bawa’t latay ng hagupit sa musmos niyang katawan
Mali kayo, mali kayo, mali kayong lahat
Siya’y nakakulong pa rin, dumaraing sa hirap.

Ulitin ang KORUS

Ngunit kung may isang amang muntik ang pugutan
At mayro’ng isang inang pinaslang sa bitayan
Lagi’t-laging may isang anak katulad ni Sarah
Magtatanggol at lalaban, pumatay kung kailangan

Ulitin ang KORUS

Kung akala n’yo’y malaya na, sagana’t payapa
Si Angelo, Flor at Sarah dito sa ‘ting bansa
Mali kayo, mali kayo, mali kayong lahat
Sila’y nagdurusa pa rin sa ibayong dagat.

Vocals: Lala Javier
Back-up vocals: Danny Fabella
Guitar: Empiel Palma
Percussion: Jayson Gildore

SA AKING PAGLAYO
Lyrics and Music: Levy Abad Jr.

https://audius.co/migintl_music/06-sa-aking-paglayo-|-sining-bulosan

Nandito ako malayo sa’yo
Sa gitna ng disyerto at kawalan
Nananabik sa amiha’t habagat
Tag-ula’t tag-araw, sulat mo at tawag

Lumisan akong hindi masaya
Taglay ang mga takot at pag-aalala
Makikipagsapalaran upang magliwanag
Ang kinabukasan

Ngunit hinahanap ko ang ngiti mo at tuwa
Sa gitna ng lungkot, hirap at pag-iisa
Ganun pa man kailangang tiising magkalayo
Ngunit sumisigaw ang puso

KORUS
Sana’y bumilis pa ang daloy ng oras
At (Sana’y)lumipad ang mga sandali
Wala nang ibang hangad, wala nang ibang pangarap
Makita ka’t mayakap muli

Napakalungkot ng mawalay sa’yo,
Kung meron man lang sana dyan sa ating trabaho
Di sana kailangang tayo’y magkalayo
Laging sumisigaw ang puso

Ulitin ang KORUS

Sana’y bumilis pa ang daloy ng oras
Nang sa kagyat ako’y makauwi
Ibig kong mayakap ka sa sariling bayan
At pandayin ang bukas natin

Vocals: Levy Abad Jr.
Guitar: Levy Abad Jr. and Richard “Chad” Valderamos
Violin: Jonathan Z. Urbano

ISANG PANAWAGAN
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/07-isang-panawagan-|-sining-bulosan

Pakinggan n’yo ang tinig na kay-tagal di narinig
Pagmasdan ang mukhang larawan ng panggigipit
Sila’ng ang tunay na buhay at kalagayan
Sadyang ikinubli nitong pamahalaan

Iniwanan ang pamilya’t ari-aria’y sinanla
Sa rekruter at ahensya ay nagpakababa
Subalit sa dolyar na kanilang kinikita
Gobyernong pabaya una sa biyaya

KORUS:2X
Gumising na, kumilos na, magkaisang lakas
Pilipino sa ibayong dagat

Kahit na ang gabi’y ginagawang araw
Hindi alintana ang init at ginaw
Silang ikinulong, hinagupit,ginahasa
Sila na nga ang biktima sila pa rin ang may sala

Ulitin ang KORUS

Parangal at papuri kailanma’y hindi sapat
Hangga’t ang kawalay hindi nalulutas
Hangga’t katarunga’y di pa rin nalalasap
Paglaban natin ay tuloy sa paglakas

Ulitin ang KORUS

Vocals: Lala Javier
Guitar: Danny Fabella
Percussion: Jayson Gildore

AWIT NG JAPINO
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/08-awit-ng-japino-|-sining-bulosan

Mula nang ako’y magkamalay
Sa bayan kong minamahal
Larawan mo lamang Itay
Aking nasisilayan

Sa piling ng aking Inay
Sa hirap ng aming buhay
Ako’y laging nangangarap
Na makita ka Itay

KORUS 1
Mahagkan at mayakap ka
At sa iyo’y ipadama
Pagmamahal ng tulad ko sabik
Sa kalinga ng isang ama.

Mga taon’y lumilipas
Larawan mo’y kumukupas
Ngunit ako’y umaasa
Makapiling ka Itay

Ulitin KORUS 1
KORUS:2
Mahagkan at mayakap ka
At sa iyo’y ipadama
Kalinga ng katulad ko sabik (sa pagmamahal)
Sabik sa pagmamahal ng isang ama.

Vocals: Ann Cabaltica
Guitar: Danny Fabella
Cello: Theodore Philip Amper

SAGIPIN ANG BUHAY
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/09-sagipin-ang-buhay-|-sining-bulosan

Hindi n’ya ninais iwanan
Ang kanyang lupang tinubuan
Upang ‘dun sa Gitnang Silangan
Ay makipagsapalaran
Kung may mapapasukan at mapagkukunan
Nang ikakabubuhay dito sa ating bayan
Hindi n’ya inibig mawalay
Sa mga mahal n’ya sa buhay
At sa bingit ng kamatayan
Hanapin ang kinabukasan
Ng kanyang mga anak, umaasaa’t naghihintay
Sa kanyang pagbabalik at katuparan ng pangarap

KORUS:
Subalit(Nang dahil) sa gulo at digmang agresyong
Kinasasangkutan ng gobyerno ngayon
Mga walang malay at naghahanap-buhay
Sila’ng nadadamay at pinapatay

Kaya’t laksan natin ang tinig
Antigin puso’t damdamin
Ng mga namumuno sa atin,
Bawat buhay ay sagipin
Habang may panahon at pagkakataon
Alisin nang lahat mga tropang Pinoy sa Iraq.

Vocals: Jonathan Z. Urbano
Guitar: Danny Fabella
Percussion: Jayson Gildore

WALANG KASINTAMIS
Lyrics and Music: Aldeem A. Yańez

https://audius.co/migintl_music/10-walang-kasintamis-|-sining-bulosan

Di inaalintana ang layo at hirap
Lungkot man ang nadarama sa pangingibang-bansa
Sa isip ko at damdamin kayo’y laging kapiling
Lahat ng pagsisikap ko sa inyo nilalaan

KORUS 1
Subalit ang hinihiling ko ay ang tuwang abot-langit
Minimithi kong sandali ay ang muling pagbabalik
Pagkat walang kasintamis at hindi ipagpapalit
Ang galak ng aking puso tuwing kasama ko kayo

Di inaalintana ang hambalos ng sigwa
Ang panganib, init at lamig
Nasa gitna man ng digma pagod ay napapawi
Sa kung minsang napapangiti
Sa liham n’yo at larawan kalooba’y gumagaan

KORUS 2
Ngunit wala nang hihigit sa tuwang abot-langit
Kung wala nang kababayang napipilitang umalis
Pagkat walang kasintamis ang mabuhay sa daigdig
Na wala nang lumuluha, walang pagsasamantala
Walang alipin at ulila sa bayang mapagkalinga

Vocals: Nene Mosqueda
Guitar: Aldeem A. Yańez

Awit ni Esther
Words by Fidel Rillo

https://audius.co/migintl_music/11-awit-ni-esther-|-sining-bulosan

Heto ako ang alila
Isang lakas na pinigtal
Sa ugat ko at sa lupa
Estrangherang napawalay
Nakasangla sa paggawa

Heto ako araw gabi
Hindi alam ang pahinga
Walang tigil sa pagsilbi
Gigising nang anong aga
Iidlip ng hatinggabi

Koro:
Hanggang kailan magtatagal
Ang ganitong kalagayan
Ngunit kapag dumadalaw ang pagod
Nabubuksan sa isip ko’y
Bawat tanong, kung may bugtong sa buhay ko
Ay mayron ding sagot
Sa umaga’y may tiyak na itutugon

Heto ako munting tinig
Na nanggaling sa lupain
Mabalasik ang pasakit
Sa isip ko at damdamin
Sa daigdig ay kaanib

Ulitin Koro:

Vocals: Amy Sebastian
Guitar: Danny Fabella
Violin: Jonathan Z. Urbano

ANG SABI SA SULAT
Lyrics and Music: Danny Fabella

https://audius.co/migintl_music/12-sabi-sa-sulat-|-sining-bulosan

Kahapon lamang ay aking natanggap
Sulat mula sa mahal kong kabiyak
Sa mga kuwento n’ya tungkol sa Pinas
Ako ay nagulat tinakasan ng galak

Padala kong pera’y di na raw magkasya
Sa pangangailangan nilang mag-iina
Anuman daw gawin nilang pagtitipid
Ay kulang pa rin lalong nagigipit

KORUS:
Kay-taas na raw ng pamasahe
Singil sa tubig at kuryente
Upa sa bahay pati tuition fee,
Presyo ng bilihin, buwis na pasanin

At sa krisis daw na nararanasan
Wala na silang ibang malalapitan
At sa gobyerno’y wala rin daw maaasahan
Kaliwa’t kanan ang kurapsyon at nakawan

Ulitin ang KORUS 1

KORUS 2
Kaydami na raw ng nagrarali
Namumundok at nagrerebelde
Upang baguhin daw bulok na sistema
At patalsikin si Gloria (2X)

Kahapon lamang ay aking natanggap
Sulat mula sa mahal kong kabiyak
Ngayong araw daw may pambansang protesta
At sila ay sasama sa libu-libong magmamartsa!

Vocals,Guitar: Empiel Palma
Back-up Vocals: Lala Javier
Percussion: Jayson Gildore

AKO SI MARY JANE
Music & Lyrics: Edwin Consador
April 2014

https://audius.co/migintl_music/ako-si-mary-jane-by-edwin-c

Ako’y napadpad tungo sa ibayong dagat
Mula sa bayang sadlak sa hirap
Makabagong alipin sa banyagang lupain
Sa bilangguan ng mundo, ang pag-asa’y ililibing

Mag-isang hinarap ang hukumang banyaga
Ako’y hinatulan sa kasalanang di ko ginawa
Nalilito…nangungulila..
Nasaan ang inyong pagkalinga?

CHORUS:
Sa katulad kong nalinlang at pinagkaitan ng katarungan
Sa tulad kong Ibinenta at pinagkakitaan
Bagong bayaning tinagurian
Ngunit iniwang parang isang basahan

Hangad ko lang naman ay magkaroon ng konting kasaganaan
Sapat na pagkain, bahay na masisilungan
Mapag-aral ang mga anak, pandayin ang bukas
Bakit n’yo ipinagkait ang kalayaang mangarap?
[Repeat Chorus]

BRIDGE!
Hangga’t walang sariling lupang mapagtamnan
At walang disenteng hanapbuhay sa sariling bayan
Hangga’t Sistema ay bulok sa kaibuturan,
Mamamaya’y itutulak sa labas ng lupang tinubuan

At ako ang kuwento at pangyayaring mauulit
Ako ang salamin ng sambayanang ginigipit
Ako si Mary Jane…at ako ay ikaw rin…
Ako ay ikaw rin!

CHORUS 2:
Ako’y katulad mong nalinlang
At pinagkaitan ng katarungan
Katulad mong ibinenta’t pinagkakitaan
Bagong bayaning tinagurian
Ngunit iniwang parang isang basahan…

Ako si Mary Jane…

BAHAGI NG BUO
Music & Lyrics: Edwin Consador
September, 2019

https://audius.co/migintl_music/bahagi-ng-buo-by-edwin-c

Verse 1:
Sa layo kong ito
Dinig ko ang lagatik ng mga baril
Ang katok sa mga pinto
At pagsabog ng mga bungo at puso

Verse 2:
Sa layo kong ito
Langhap ko ang halimuyak ng tuyong daho’t sanga
At amoy ng pulbura
Habang bumabaha ng dugo sa iyong lupang sinasaka
Sa layo kong ito…

Chorus 1:
Saksi ako sa kanilang pandarahas
Saksi ako sa ‘yong paglikas
Dama ko ang iyong pangungulila
Bawat patak ng mga luha
Pagkat ako’y bahagi mo
At tayo’y bahagi ng isang buo
Malayo man sa piling mo
Dama ko ang hapdi ng bawat sugat mo

Verse 3:
Sa layo kong ito
Tanaw ko ang pagdiriwang ng mga salarin
Tinatakpan ang karuwagan
Sa pamamaslang sa mga walang laban

Verse 4:
Sa layo kong ito
Dinig ko ang tunog ng batingaw
Hudyat ng pagkakaisa
Para sa katarungan at mapayapang umaga
Sa layo kong ito…
(Repeat Chorus 1)

Bridge:
Saan mang sulok ng daigdig
Sambayanang Pilipino’y titindig
Karapatang pantao’y ipaglalaban
At isisigaw ang panawagan—

Chorus 2:
Wakasan ang paghahari ng lagim
Pagkakaisa ay ating pahigpitin
Pakikibaka ay paigtingin
Sama-sama tayo sa pagpawi ng dilim
Pagkat ako’y bahagi mo
At tayo’y bahagi ng isang buo
Ang hustisya ay matatamo
Sa bawat bigwas ng ating kamao

Ang hustisya ay matatamo
Sa bawat bigwas ng ating kamao!

MALETANG WALANG LAMAN
Music & Lyrics: Edwin Consador
(Isinulat noong 2018 at ginawan ng konting revision sa lyrics noong 2020)

https://audius.co/migintl_music/maletang-walang-laman-by-edwin-c

I
Nakapack-up na lahat sa maleta ko
Wala nang mapaglagyan ang pananabik sayo
Ang isiping ika’y aking muling makakapiling
Gaano man kabigat ay kayang bitbitin

Refrain:
Ang pagbabalik sa’yo, ang tanging inaasam ko
Kahit panandalian lang, kaligayaha’y di matatawaran

Chorus 1:
Nasa loob ng maleta ang inipong saya
Ang katas ng pagsisikap sa lupang banyaga
Nasa loob ng maleta ang pawis at luha
Ang tagpi-tagping pangarap para sa masaganang bukas

II
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko
Habang papalapag ang sinasakyang eroplano
At habang nakatambay sa quarantine area
Dama ko na ang yakap mo
At para akong tumama sa lotto nang COVID test ko’y nagnegatibo
(Repeat Chorus 1)

Bridge:
Itong aking maleta’y kasa-kasama ko sa loob ng maraming taon
Pinaglumaan na nang panahon
Lalagyan ng mga pasalubong
Para sa asawa’t mga anak, magulang, kapatid, kaibigan at mga kamag-anak
Di ko alintana ang sobrang bigat…

At sa muling paglisan mula sa bayang sinilangan
Pilitin ko mang ngumiti upang ang mga luha’y pagtakpan
Di maitago ang lungkot at bigat ng mundong pinapasan
Sa aking maletang walang laman.
(Repeat Refrain)

Chorus 2:
Nasa loob ng maleta ang inipong saya
(Ito ba ang kapalaran ng pamilyang Pilipino?)
Ang katas ng pagsisikap sa lupang banyaga
(Kailangang bang maghiwahiwalay upang mabuhay?)
Nasa loob ng maleta ang pawis at luha
(kaya’t pagbabago’y ating ipaglaban)
Ang tagpi-tagping pangarap para sa masaganang bukas
(isigaw ang ating panawagan: Trabaho sa Pinas, Trabaho sa Pinas hindi sa labas!)

Coda:
At sa muling paglisan mula sa bayang sinilangan
Pilitin ko mang ngumiti upang ang mga luha’y pagtakpan
Di maitago ang lungkot at bigat ng mundong pinapasan
Sa aking maletang walang laman.

NASAAN ANG 15 BILYON NA NINAKAW SA PHILHEALTH
Music & Lyrics: Edwin Consador
January 2021

https://audius.co/migintl_music/nasaan-ang-15bilyon-na-ninakaw-sa-philhealth-by-edwin-c

I
Pagkagising sa umaga
Ikaw ang laging naaalala
Mukha mo ang nakikita
Sa tuwing ako’y naglalaba

Ang dibdib ko’y naninikip
Ang buhok ko’y napapanot sa kaiisip
Nasaan ang 15 billion pesos
Na ninakaw sa Philhealth?!

Chorus:
Nasaan? nasaan?
Ang aming pinagpawisan?
Nasaan? nasaan?
Ang pera ng bayan?

II
Bilib ako sa banat mo
Ang galing mong madyekero
Aliw na aliw sayo
Ang mga katulad mong payaso

Habang sila’y kinikilig
Ang kili-kili ko ay umiinit
Nasaan ang 15 billion pesos
Na ninakaw sa Philhealth?!
[REPEAT CHORUS]

III
Tumatalon sa tuwa
Ang iyong mga tagahanga
Habang dumudura ng mura
Ang mabaho mong bunganga

Pinagtatakpan ang shit
Ng mga buwayang alipores
Binulsa ang 15 billion pesos
Na kinotong sa Philhealth!
[REPEAT CHORUS]

IV
Sobrang galing sa nakawan
Nitong ating pamahalaan
Pagbabayarin ang mamamayan
Sa mga ninakaw sa kaban ng bayan

Tuloy ang pangongotong
Sa basbas ni Digong
Goodbye 15 billion pesos
Na ninakaw sa Philhealth!

CHORUS 2:
Nasaan? Nasaan?
Ang mga kawatan?
Nasaan? Nasaan?
Nasa pamahalaan?

Nasaan? Nasaan?
Ang mga kawatan?
Nasaan? nasaan?
Nasa Malakanyang!

Saan man ako naroon
Words and music-Levy Abad
Feb 14,2013

https://audius.co/migintl_music/saan-man-ako-naroon-by-levy-abad

Marami ng nakalimot
At pinahupa ng panahon
Ngunit pag ibig ko sa iyo
Isa lang ang nilalayon
  
Na muling mayakap ka
At muling makasama
Sa bawat hakbang ng buhay
Mithiing  paglaya
 
Ang mga sugat mo’t pasakit
Ang kawalang katarungan
Aawitin lalabanan
Saan man ako naroon
 
Chorus:
Saan man ako naroon
Sa  isip ay ikaw lamang
Saan man ako mapadpad
Ikay hinahanap
 
Saan man ako  naroon
Sa isip ay ikaw  laman
Saan man ako mapadpad
Ika’y hinahanap
 
Bridge: 
Mapa Asia, North America
Sa Europe man o Middle East
Una ka sa puso ko
Saan man ako naroon
 
 
Interlude:
 
Hinahanap ka sa tuwina
Kahit saan mapadako
At ang pangarap mong ginhawa     
siyang sigaw nitong puso
papawiin ang iyong mga luha
Nakaraay iwawasto
At ang paglisan ko noon
Sana mapatawad mo
 
Repeat Chorus

We are Migrants
Words and music- Levy Abad
June 22, 2014

https://audius.co/migintl_music/we-are-migrants-by-levy-abad-jr

How can I be going home?
There’s nothing left behind
Risked it all to cross over
To find a better life
Looking at the heavens
And see the airplanes endless trail
And tears well up from my eyes
This endless longing
 
Seems just like yesterday
And children were still small
Strength still at its peak
To take on life’s challenge
No matter what the task at hand
No matter how high the walls
We just keep on moving on
No matter what it takes
 
Chorus 1:
We are migrants, we are wandering
We’re scattered everywhere
Taking all the punches that this life’s throwing  our way
We are migrants, we are wandering
And we took this leap of faith
Working on our dreams
To be real one day
 
All of us who shared this road
Would right away know this song
I don’t have to explain
You will understand
We must always stand together
Until we overcome
All these hurdles that we’ll pass
Along the way                                    
 
Torn between places
Tossed from pole to pole
(in this troubled world)
Reason tell us to go on
The heart cries to go home
We’re just few in a thousand
Who journeyed to survive
to whatever place in search of a better life
 
Chorus 2:
We are migrants, we are wandering
And we never will forget
Those who took this lonely
 path with us
But never made the quest
We are migrants, we are wandering
We are battered everywhere
Will go on struggling on
Until we reach our dreams
 
(Repeat Chorus 1 and fade)

Para Kay Ellen, Jocelyn, Sol at Juana
Levy Abad Jr.

https://audius.co/migintl_music/para-kay-ellen-jocelyn-sol-juana-by-levy-abad

Intro:
Mula Hongkong si Ellen ay
Nagtungo ng Ontario    
At doon’y naghanap ng    
Maayos na trabaho
Wala pa mang tatlong buwan
Nagkaroon siya ng karamdaman
dahil wala pa siyang healthcard
Inabot niya’y kamatayan
 
Ganun din     si Jocelyn
Nagtungo ng Mississauga
At doon  nagtrabaho
Sa caregiver na programa
Wala pa mang isang taon  
Sinapit niya’y kamatayan
Ang ulat ay pinaslang siya
Sa kanyang pinapasukan
 
Koro:
Aawitin ko ang buhay mo
Isisigaw ang kaapihan
Isusulong ko ang iyong
Mga karapatan
 
Dahil ikaw ay biktima
Ng walang pusong sistema
At pamahalaang pabaya
 
Adlib
 
Ito namang si Sol ay
Namasukan sa Toronto,
Di niya inaakalang
Haharasin siya ng kanyang amo
Buti na lang naka-ugnay agad
Sa Migrante ng Ontario
 At sa damayang nangyari
Siya ay lumaya
 
Si Juana  nakumpleto na
 ang caregiver requirements
Dalawang ulit siyang na-deny
Sa kanser niyang karamdaman
Bakit pa daw papayagan
Mamamatay na rin naman
Sa tulong ng komunidad
PR ay aprub
(Repeat Koro)
 
Si Ellen   , Jocelyn
Sol at Juana tayong lahat
Itinulak ng kalagayan
Mangibayong dagat
Hindi dahil sa kapalaran
Kung ‘di ito ay patakaran
sistemang nabubuhay
Sa ating kamatayan
 
(Repeat Koro)
(Repeat 1st 4 lines of Koro)
At kung mga kababayan ay
Nagbubulag-bulagan na lang
Kahit tayo na lang ang matira (Kahit ako na lang mag-isa)
Itutuloy ko ang laban (Tuloy ang laban)
(Repeat)

KALAMPAGIN
(Liriks at musika Lui Queano
Areglo- Karl Ramirez ,Pordalab)
TEMPO: Marching/ Agit

https://audius.co/migintl_music/kalampagin-by-lui-queano-performed-by-karl-ramirez

INTRO::G-Bm7-Am7-D

I.
G Am7 G
KALAMPAGIN SONA ni Duterte
G Am7 D-D7
PATALSIKIN hanggang siya ‘y mawala
Bm Em
WAKASAN PALPAK na pamumuno
A-A7 D-D7
Gobyernong, PASISTA at BERDUGO!

II.
G Am7 G
Sama-sama MIGRANTENG MANGGAGAWA
G Am7 D-D7
Patampukin ang pagkakaisa
Bm Em
Sa lakas ng ating pagsusulong
A-A7 D-D7
Haring Poder kayang-kaya magiba

KORO:
C Bm
Sabay-sabay nating kalampagin
C G D
Hanggang tinig natin ay makarating
C Bm
Kalampagin nang kalampagin
C Am D G
Buong bayan ngayon ay nagising

(Tunog ng kalampagan for 30 sec)

(Ulitin nang isang beses ang kanta)
Sabay-sabay nating kalampagin
Hanggang tinig natin ay makarating
Kalampagin nang kalampagin
Sambayanan ngayon ay nagising!

(Kalampagan and chants with the drum beat music on background)
End

roots
by Amihan

https://audius.co/migintl_music/roots-live-by-amihan

Verse 1:

My father’s ancestors up in the province of Ilocos
My lola’s from Nueva Ecija call that home
At just 2 said “see ya” had to move ‘cross the globe
Great-lolo just got stationed in San Francisco

Now he’s in the navy and sailing the West Coast
Serving for a country that don’t serve his people
US military with schemes that are lethal
Just to pump some diesel
But that’s just the prequel

Once in high school my lola moved to Delano
With her migrant uncle tryna make dollars from pesos
But constantly their struggling because the pay’s low
So he joined the strikes with Latinos and Filipinos

Lola graduated then moved back to the Bay and
Her and my lola they raised three generations
Then the house that we all grew up in was taken
Cos of gentrification they couldn’t make the payments

They created 6 kids, 13 grandchildren
Then were faced with displacement from the Mission
Now me, my parents and siblings only ones left in
The city my whole family grew up in

Chorus:

Listen to me, this is a oral history
These are the stories that you’ll never read on textbooks sheets
These narratives immigrated back from the Philippines
So vibe with the speech, vibe with the beat

Listen to me, this is a oral history
These are the stories that you’ll never read on textbooks sheets
These narratives immigrated back from the Philippines
So vibe with the speech, vibe with the beat

Vibe with the speech, vibe with the
Vibe with the beat, vibe with the
Vibe with, with the history
Vibe with, with the history

Verse 2:

1973–take us back to the Philippines
Mama was born in Luzon, in Quezon City
Similarly she’s a city kid like me
And we both hold it down as the oldest of our siblings

Lola was a teacher for a living
But then they had to leave the only home they’ve lived in
Lolo don’t wanna go but, he left unwilling
Cos they had to escape Marcos and his killings, that’s just the beginning

So when my mom was only 8
She flew 7,000 miles and landed in LA
Reunited with her family in the states
But was faced with a new culture to embrace

Ya with her brown face she wasn’t in the majority
In a foreign place as a model minority
Her struggles erased in the spaces of the pages of this nation
So instead she shared her situation orally, see

See these stories are more than me
Ya they’re more than me

Chorus:

Listen to me, this is a oral history
These are the stories that you’ll never read on textbooks sheets
These narratives immigrated back from the Philippines
So vibe with the speech, vibe with the beat

Listen to me, this is a oral history
These are the stories that you’ll never read on textbooks sheets
These narratives immigrated back from the Philippines
So vibe with the speech, vibe with the beat

Vibe with the speech, vibe with the
Vibe with the beat, vibe with the
Vibe with, with the history
Vibe with, with the history

Bridge:

From the motherland to the belly of the beast
From Philippines to the SFC
From the motherland to the belly of the beast
From Philippines to the SFC

Isang Bayan
(Musika at Liriks- Lui Queano-
Musical arrangerment-Karl Ramirez PORDALAB)

https://audius.co/migintl_music/isang-bayan-1sambayan-canada-theme-by-lui-queano-performed-by-karl-ramirez

Capo: First Fret
G-Bm-C-D

G Bm C D G-Bm-C-D
Naghahanap tayo ng isang pinuno
G Bm C D G-Bm-C-D
Sa haba ng panahon di tayo sumuko
Em Bm Em Bm
Tunay at totoo, tapat na pamumuno
Am D
Hindi lang puro mga pangako

(Same Chords)
Lahat ng mga sana at ating pag-asa
Tinipon at itinabi nating paniniwala
Di na magtitira lahat itataya
Isang tinig tayo buong-buo ang tiwala

KORO:
G Bm Am D G
Isang Bayan, Tinig ng Bayan
G Bm Am D G
1SAMBAYAN, Tapat sa Bayan
G Bm Am D G
Isang Bayan Para sa Bayan
G Bm Am D G
1SAMBAYAN isang boto ng bayan

Panaghoy ng Migrante
Luci Vantes

https://audius.co/migintl_music/panaghoy-ng-migrante-by-luci-vantes

Bm. A. G. D G. A
Ang Kahirapan ang dahilan ng pagkakalayo…….
Intro:A,Asus2,Asus4,A,Asus2,D
Bm
Tanda ko pa noong akoy lumisan
Em. A
Sa tahanan kong mahal
D. Bm
Bitbit koy maletang puno ng pag-asa
Em. A
Ng kinabukasan
D. Bm
Bumuhos ang ulan habang nag papaalam
G. Em. A D
Sa puno ng pagmamahalan
Bm. F#m
Dib-dib koy intabladao ng lungkot at pangamba
G. A. Bm
Habang papalayo
Refrain:
A. G. D. A
Ang kahirapan ang dahilan ng pagkakalayo
Bm. F#m. G. A
Sa bayang sinilangan ang pangarap ay bigo
Bm. G. A. Bm
Ang maayang bukas at naiwang landas
A. G
Sanay muling mag-tagpo
Em. A. Bm
Ito ang panaghoy ng migrante
Adlib:Em,A,D/C#,Bm/A,G,A,Asus2,Asus4,A,Asus2,D
Bm
Binagtas ko ang landas ng kalawakan
Em. A. D
Patungo sa walang katiyakan

Kumakaway ang ulila
Bm. Em. A
Samuling pagkikita, sa dahoon ng kasiyahan
D. Bm. F#m
Ang pangingibang baya’y ‘di langit ang kahulugan
G. A. D
Tulad ng iniisip ng karamihan
Bm
Ito’y isang malawak ng bilanguan
G. A
Ng pagtitiis at kalungkutan
Interlude:Asus2,Asus4,A,Asus2,B
Pumipiglas ang katotohanan
G#m B
Sumisigaw sa lansangan
C#m
Kung nais moy malayang bukas
F#. B,E,A,C#m
Halina’t lumahok sap ag babalikwas
Repeat Refrain:
G#m. A. E. B
Ang kahirapan ang dahilan ng pag kakalayo
C#m. G#m. A. B
Sa bayang sinilangan ang pangarap ay bigo
C#m. A. B. C#m
Ang maayang bukas at naiwang landas
B. A
Sana’y muling magtagpo
F#m. B. C#m
Ito nag panaghoy ng migrante
F#m. B. E
Ito ang panaghoy ng migranteng pinoy

Mithi
Che Geolingo

https://audius.co/migintl_music/mithi-che-geolingo

Intro: D-F#m-G-A
           G-F#m-Em-A
D
Kulang ang sandali sa pagdadaupang palad nating muli
Sasaya ang paligi’t kalangitay ngingiti
At magiging luntian ang bawat sandali
Luha at galak sa pisngi nati’y dadampi.

Koro 1:

Sa aking pagbabalik sana’y kulay bughaw na ang langit
Katarunga’y naghahari,
(Kalupaay/Mga tao’y) hindi nahahati
At malaya na ang mga ibong pipit.

2
Luha ng pananabik sa halama’y ididilig
Upang buhayin na muli ang kalinga natin at pag-ibig
Ang mala-gintong parang at bundok nating duyan
Ang kanlungang lagi nating binabalik-balikan. 

(Koro 1)

Adlib: (Transposed) 

Koro 2:

Sa ating pagbabalik sana’y maningning na ang himpapawid
Iisa ang lahi, yaman ay ibinabahagi
Dakilang pag-ibig na ating Mithi.

Katapusan:

Sana’y hindi pa huli
Sana’y wala ng api
Tayo’y babangon muli
Sana, o sana may babalikang muli.

Pagkatpos ng Unos
by DnA

https://audius.co/migintl_music/pagkatapos-ng-unos-by-dna

INTRO:
Pagkatapos ng unos
Aangat, babangon tayo
Mag-uumpisa ang bukas ng
May pag-asang kinakapitan

Tanggapin mga kamay, unti
unting humakbang
Yayakapin ka sige wag tumahan
Pakatandaan kasama mo ang
bayan
Sa sandaling ikaw ay nahihirapan

Verse1:
Ilang oras dumaan, wala paring laman
ang tiyan
Nakatitig sa kawalan, pag asa’y di
matagpuan
Nababalot ng sigaw ang kapaligiran
Bubong ang naging tahanan ng
mamamayan

Boses ay di madinig, lumalalim na ang
tubig
Katawa’y namamanhid, galit ang
nananaig
Di alam saan kakapit o kailangan bumitaw
Sa lakas ng agos karapata’y di na tanaw

Ang mga namumuno ay mahimbing na
natutulog
Habang ang bayan ay unti-unting
lumulubog
Mula noon hanggang ngayon, lumalala
ang sitwasyon
Mga tao ay nababaon sa patuloy na
kurapsyon

Ramdam ang hinagpis, namimilipit sa
sakit
Ngunit di dumating ang tulong na
minimithi
Ano ba ang dapat mauna, tao ba o ang
kanilang bulsa?
Katiwali-ang ginagawa ang sanhi ng pagluluksa

CHORUS
Pagkatapos ng unos
Aangat, babangon tayo
Mag-uumpisa ang bukas ng
May pag-asang kinakapitan

Tanggapin mga kamay, unti
unting humakbang
Yayakapin ka sige wag tumahan
Pakatandaan kasama mo ang
bayan
Sa sandaling ikaw ay nahihirapan

Verse2:
Sa gitna ng sakuna, ang masa ay nagka-
isa
Bayanihan ay nagsimula, ibinahagi ang
mga biyaya
Ngunit bakit ganito, kailangan pang
gawin ito?
Mga dapat managot ay nauna ng
tumakbo

Nanumpang kandidato, tumalikod sa
trabaho
Kanilang mga pangako’y nanatiling
malabo
Hinding hindi malilimutan ang mga kasakiman
Ipinagkait na tulong, tatatak sa kaisipan

Kaya’t makapit bisig at huwag
palilinlang
Hikayatin na lumaban ang taong
bayan
Pagkat tayo ang lunas sa problemang
hinaharap
Lahat ay posible kahit na mahirap

Sikat ng pag-asa ay muling aangat
Ito ay makakamit kapag kasama ang
lahat
Anuman ang mangyari, tayo’y di pa-aapi
Dahil sa huli, tayo ay magwawagi

CHORUS
Pagkatapos ng unos
Aangat, babangon tayo
Mag-uumpisa ang bukas ng
May pag-asang kinakapitan

Tanggapin mga kamay, unti
unting humakbang
Yayakapin ka sige wag tumahan
Pakatandaan kasama mo ang
bayan
Sa sandaling ikaw ay nahihirapan

What Did I Do Wrong by Markit https://audius.co/migintl_music/marikit-what-did-i-do-wrong

Elehiya ng Taglagas by Lui Queano https://audius.co/migintl_music/elehiya-ng-taglagas-by-lui-queano

Awit sa Kasama by Danny Fabella https://audius.co/migintl_music/awit-sa-kasama-by-danny-fabella