Sa pangunguna ng Migrante Philippines, dinumog kahapon (Pebrero 22) ng mga returned OFWs at kapamilya ng migrante na matinding nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal ang OWWA Region 4 para igiit ang makabuluhang ayuda. Anila hindi sapat ang P1,500-P3,000 para makaahon mula sa matinding pinsala ng kalamidad sa kanilang kabuhayan.
Ang mahigit 60 na pamilya na dumulog sa OWWA ay mula sa mga bayan ng Agoncillo, Balete at Talisay ng lalawigan ng Batangas at nakatira sa mga komunidad na kasama sa 7-km danger zone. Marami sa kanila ang dati nang dumulog sa OWWA na dismayado sa programang Calamity Assistance ng ahensya dahil sa maliit na halaga at kumplikadong proseso ng ayuda samantalang malaki na ang naging kontribusyon nila mula sa ilang taong pagiging OFW.
[youtube https://www.youtube.com/watch?v=cB4SKrWbmbc&w=853&h=480]
“Ngayong pumutok ang bulkan ay ubos ang aming kabuhayan. Yung aming pinag-abroadan ubos,” sabi ni Virgilio Morta na mula sa Pulo Island sa Brgy. Calawit, Balete na naging OFW noong 1997 hanggang 2018. Aniya wala pa siyang nakuha sa OWWA mula nang mag-abroad. “Kapag kukuha ka ng pera, papahirapan ka pa. Pero kapag ika’y magbabayad madali lang, wala nang kuskos-balungos…Papabalikin pa ako sa bente-sais para sa P1,500, lugi pa sa gasolina,” pahayag ng pagka-dismaya ni Morta.
[youtube https://www.youtube.com/watch?v=V5xIdM_oh-o&w=853&h=480]
“Pumunta kami dito at nakailang balik na. Ang P3,000 ba ay saan makakarating sa kalagayan namin ngayon na talagang apektado ng pagsabog ng Taal…Dagdagan ninyo sana ang P3,000… Ang mahalaga ay makapagsimula muli kami,” ayon naman kay Natalia Garcia na taga-Banyaga, Agoncillo na dati ding OFW.
Hinarap sila ng kinatawan ng OWWA Region 4 at sinabing sinusunod lamang nila ang polisiya mula sa main office ng OWWA na P1,500-P3,500 lamang ang nakatakdang ibigay na assistance sa mga nasalanta. Dahil dito hiniling nila, kasama ang Migrante, na makipag-diyalogo sa mga policy makers ng ahensya para igiit ang signipikanteng dagdag-ayuda.
Hinamon ng Migrante ang ahensiya na tugunan ang makatwirang hiling ng mga OFW. “Panindigan ninyo ang inyong binabalandra na OWWA Cares. Dinggin ninyo ang makatwirang hiling ng mga biktima. Hindi kami nanghihingi ng limos. Ginigiit lang namin ang karapatan sa pondo ng OWWA na mula mismo sa pawis at dugo ng OFWs,” hamon ni Arman Hernando, Tagapangulo ng Migrante Philippines.
Ayon sa mga nasalanta, kinakailangan nila sa minimum ng P20,000 para panimulang makaahon sa kalamidad. Kalakhan sa mga dumulog ay kasalukuyang walang kabuhayan dahil sa nasirang mga pananim at natigil na maliit na negosyo.
Ayon sa Migrante, ang kanilang pagdulog sa OWWA ay bunga ng serye ng relief operations at community consultations na kanilang isinagawa sa iba’t ibang bayan ng Batangas mula nang pumutok ang bulkang Taal.
“Ngayong pumutok ang bulkan ay ubos ang aming kabuhayan. Yung aming pinag-abroadan ubos,” sabi ni Virgilio Morta na mula mismo sa Pulo Island sa Brgy. Calawit, Balete na naging OFW noong 1997 hanggang 2018. Aniya wala pa siyang nakuha sa OWWA mula nang mag-abroad. “Kapag kukuha ka ng pera, papahirapan ka pa. Pero kapag ika’y magbabayad madali lang, wala nang kuskos-balungos…Papabalikin pa ako sa bente-sais para sa P1,500, lugi pa sa gasolina,” pahayag ng pagka-dismaya ni Morta.
Hinarap sila ng kinatawan ng OWWA Region 4 at sinabing sinusunod lamang nila ang polisiya mula sa main office ng OWWA na P1,500-P3,500 lamang ang nakatakdang ibigay na assistance sa mga nasalanta. Dahil dito hiniling nila, kasama ang Migrante, na makipag-diyalogo sa mga policy makers ng ahensya para igiit ang signipikanteng dagdag-ayuda.
Hinamon ng Migrante ang ahensiya na tugunan ang makatwirang hiling ng mga OFW. “Panindigan ninyo ang inyong binabalandra na OWWA Cares. Dinggin ninyo ang makatwirang hiling ng mga biktima. Hindi kami nanghihingi ng limos. Ginigiit lang namin ang karapatan sa pondo ng OWWA na mula mismo sa pawis at dugo ng OFWs,” hamon ni Arman Hernando, Tagapangulo ng Migrante Philippines.
Ayon sa mga nasalanta, kinakailangan nila sa minimum ng P20,000 para panimulang makaahon sa kalamidad. Kalakhan sa mga dumulog ay kasalukuyang walang kabuhayan dahil sa nasirang mga pananim at natigil na maliit na negosyo.
Ayon sa Migrante, ang kanilang pagdulog sa OWWA ay bunga ng serye ng relief operations at community consultations na kanilang isinagawa sa iba’t ibang bayan ng Batangas mula nang pumutok ang bulkang Taal.
[youtube https://www.youtube.com/watch?v=5PABBN7q_hw&w=853&h=480]