Sa panahon ng diktadurya, bagsak ang mga industriya natin tulad ng textile, nagtayo ng mga export processing zones para ibenta ang ating likas yaman para sa murang halaga, milyon milyon ang walang trabaho at baon sa bilyon bilyon dolyar na utang na napunta lamang sa korapsyon.


Para maiwasan ang pag aalsa ng mga mamamayang Pilipino, lumikha ng pansamantalang solusyon sa kawalan ng trababo at mabayaran ang mga utang ni Marcos, ipinatupad niya ang Labor Export Program noon 1974 para ibenta ang mga pilipino bilang murang lakas paggawa sa mga dayuhang korporasyon at gobyerno.
Ni recruit ang mga Pilipino para mag trabaho sa Gitnang Silangan para magtayo ng mga kalsada, ospital, eskwelahan, tulay atbp.


Sumunod na ang recruitment ng mga domestic helpers sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Europe, mga construction workers sa Brunei at Japan, mga manggawa sa logging at mining camps sa Malaysia. Ang Pilipinas ay naging number one labor supply ng seafarers sa mga barkong European.
Lumobo ang bilang ng mga Pilipino umaalis ng bansa para sa kontraktwal na trabaho simula ng pinatupad ang LEP. 36,035 sa taong 1975 at umabot za lampas 300K+ sa taong 1985. Umabot sa halagang $5 billion dollars ang remittances sa period na ito.


Taon 1982 nung itinayo ang POEA para mas lalong maging systematiko ang pag-export ng ating mga kababayan. Sa POEA pinoproceso ang mga mga kontrata ng mga migranteng manggagawa, pag issue ng lisenysa sa mga pribadong recruitment agencies at pag regulate nito. Sa pagtatayo ng POEA, mas binigay na ng gobyerno ang pangunahing responsibilidad sa mga pribadong recruitment agencies ang pag recruit at deploy. Lumago ang mga pribadong recruitment agencies na pinagkikitaan lamang ang ating mga kababayan.

#neveragain

#neverforget

#NoToMarcosDuterte2022