Hustisya ang panawagan ng mga manggagawang Pilipino sa USA na naging biktima ng labor trafficking, matapos silang pagsamantalahan ng State 101 Travel Visa Consultancy Services, isang Philippine-based travel agency.
Sa kagustuhang makaahon sa kahirapan, nagbayad sila ng halagang P385,000 sa agency para magkaroon ng pagkakataon na magtrabaho sa USA. Pinangakuan din sila ng legal na papel, libreng pagkain at tirahan na may kasamang P99,000 allowance kada buwan.
Masahol ang naging karanasan ng mga manggagawa pagdating nila sa USA. Pinapatrabaho sila ng sobra-sobra sa oras ng hindi sila binabyaran. O kung meron man, tumatanggap lamang sila ng mas mababa sa minimum wage kada araw. Wala rin silang maayos na pahingahan at sa garahe lamang sila pinatutulog.
Panawagan ng mga manggagawang Pilipino sa USA na mapanagot ang State 101 Agency at tuluyan na itong mapasara. Tuloy-tuloy din ang pagkalampag nila sa gobyerno ng Pilipinas na aksyunan ang kanilang panawagan para sa hustisya at pagpapanagot sa mga ahensya tulad ng State 101.


![[NEWS RELEASE] KALBARYO NG MGA OFWS SA GITNA NG DIGMAAN AT KAPABAYAAN NG GOBYERNO](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/03/PHOTO2-218x150.jpeg)
![[Polyeto]: PALAYAIN SI MARY JANE VELOSO!](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/06/FREE-MARY-JANE1-150x150.png)



