No to UNION BUSTING! Sigaw ng mga OFWs TaiDoc Technology Labor Union (TTLU)

Naninindigan ang TaiDoc Technology Labor Union (TTLU) sa Taiwan na itinatag noong August 29, 2025, na ipaglaban ang karapatan ng mga migranteng manggagawa at kapwa manggagawa laban sa abusadong kumpanya ng TaiDoc. Isang medical device manafacturing company na nagsusuplay sa iba’t ibang dako ng mundo.

Karamihan sa mga miyembro ay binubuo ng mga kababaihang OFWs kasama at kaisa nila ang mga foreign migrant workers ng kumpaya sa unyon.

Bago binuo ng mga manggagawa ang unyon, nakaranas sila ng di makataong mga patakaran sa kanilang dormitoryo, paniningil ng recruitment at broker fees at forced labor. Kinokontrol din ng management ang kanilang galaw. Ito ang mga dahilan bakit sila nagbuo ng unyon.

Sa pagkakatatag ng TTLU, tuloy-tuloy ang harrassment at retalyasyon ng TaiDoc sa mga union leaders at union busting. Lumalabas din sa ulat ng TTLU na may mahigpit na sabwatan ang TaiDoc at MECO (Manila Economic and Cultural Office), pati rin ang MWO (Migrants Workers Office). Nananatili pa ding inutil ang gobyernong Marcos Jr. at Dept. of Migrant Workers sa hinaing ng ating mga kababayan. Bagkus sila pa nga ang numero unong nagbebenta sa OFWs palabas ng bansa.

Sa kabila ng mga pagsubok, nakatindig pa din ang TTLU sa patuloy na panggigipit ng TaiDoc. Magpapatuloy ang pagkakaisa at panawagan ng manggagawa para sa kanilang karapatan at kagalingan, sa loob o labas man ng pagawaan.