Inaanyayahan at ibinubukas sa lahat ng mga migranteng Pilipino sa lahat ng panig ng daigdig na magsumite ng mga orihinal na likhang-awit na naisulat simula nang 1995 hanggang sa kasalukuyan bilang bahagi ng ika-25 Anibersaryo ng Migrante International na ilulunsad ngayong Disyembre 2021.
Ang tema ng koleksyon ay “Karanasan at Pakikibaka: Mga Likhang-awit ng mga Pilipino sa Ibayong-Dagat.” Sinasalamin nito ang pakikibaka ng nakaraang Dalawampu’t Limang Taon sa Pagpukaw, Pag-organisa at Pagmobilisa ng mga Pilipino at ng kanilang Pamilya sa Ibayong-Dagat.
Inaasahang matipon sa koleksyong ito ang mga awit at orihinal na komposisyon na nagtampok sa karanasan at pakikibaka ng mga Pilipino at mga migranteng mangagawa sa panahon ng kanilang pakikipagsapalaran, pakikisangkot, pagkamulat, pakikisalamuha at sarkripisyo sa ibang-bayan para sa pagsusulong ng kanilang kagalingan at karapatan. Bukas ang panawagan sa lahat ng mga Pilipino na nasa ibang-bayan o nangibang-bayan sa Asia Pacific, Middle East, Europe, Canada at USA kasama ang mga Seafarers.
Tatanggapin ang mga likhang-awit na nakasulat sa Ingles at Filipino o iba pang wika na may handang-salin. Tinatanggap din ang lahat ng mga nailathala na mula sa album at dati nang mga orihinal na mga awit na ginagamit sa mga mobilisasyon.
Para sa mga mag-aambag, iemail ang mga ito sa pormat na pdf pati ang katapat nitong musika sa pormat na mp3.
Deadline: October 29, 2021
Email: [email protected]