Pakinggan ang liham na sinulat ni Mary Jane sa loob ng piitan para sa kanyang mga taga suporta.
January 28,2026
Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si Mary Jane Fiesta Veloso. Lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tulong at suporta ninyo sa akin at sa aking pamilya.Hindi ko po kayo lubos na kilalang lahat, ngunit ramdam ko po ang inyong malasakit at pagmamahal bilang isang kapamilya.Nandito po kayong lahat nakikipaglaban kasama ko mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Patuloy po ninyo akong tinutulungan upang makamit ko ang hustisya at ang aking kalayaan .Alam ko po na sa gabay ng Diyos ,isa kayo sa naging dahilan kaya na tigil ang pagpapatupad ng death row sa akin at dahil din po sa inyong lahat na sumusuporta sa akin, napauwi po ako ng ating mahal na Pangulo Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na siyang naging daan kaya noong December 18,2024 naiuwi po ako dito sa ating bansa. Kaya muli po akong nabuhayan ng loob at patuloy nananalig sa Diyos at umaasa na hindi magtatagal ay makakapiling ko nang muli ang aking mga mahal sa buhay.
Nais ko lang din po na malaman ninyo kung gaano ako nahihirapan na makita ang aking mga magulang na may edad na, nanggaling pa sa Nueva Ecija,bumiyahe ng 8-10 hours para lang bisitahin ako. At kailangan pa nilang maghanap ng pera sa kanilang pamasahe at pagkain na madadala sa akin.Hindi na nila inalintana ang kanilang mga nararamdaman dahil may edad na nga sila makita lang ako para maibsan ang kanilang pangungulila.Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan heto po ako isang taon na ang nakalipas nandito pa rin ako nakakulong kahit wala akong kasalanan at wala din po akong nagawang masama sa ating bansa.
Para sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa akin saan mang bansa o kumunidad po kayo nagmula humihingi po ako ng tulong sa inyong lahat,wala na po akong ibang hiling kung hindi ang makapiling kung muli ang aking pamilya na naihiwalay sa akin ng higit kumulang 16 years.Nawa’y ipagkaloob na po sa akin ang pagkakataon na maalagaan ko ang aking mga magulang habang buhay pa sila at lalong -lalo na ang aking mga anak na hindi ko man lang nasubaybayan ang kanilang paglaki, gusto kong ipadama sa kanila na mayroon silang isang ina na sobrang nagmamahal sa kanila.
Ako po ay lubos na nagagalak sa inyong mga sumusuporta sa akin na may busilak/ malinis na kalooban na handa akong tulungan na mapaaga ang aking paglaya. Maraming salamat po, naway Dyos na ang bahala suklian ang inyong kabutihan sa akin at sa aking pamilya.
GOD BLESS US.
Signed: Mary Jane F. Veloso
January 28, 2026
Good morning, everyone, I am Mary Jane Fiesta Veloso, and I would like to express my gratitude for all the help and support you have given me and my family. I may not know you all well, but I feel your care and love as if you were my family. You are all here fighting alongside me since the very beginning until now. You continue to help me attain justice and my freedom. I know that through God’s guidance, you have been one of the reasons why the execution of my death sentence was stopped, and it is because of all of you who support me, I was sent home by our dear President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, which paved the way for me to return to our country on December 18, 2024. This gave me renewed hope and I continue to have faith in God and hope that it will not take a long time before I am reunited with my loved ones again.
I want you to know how difficult it has been for me to see my parents who are already of old age, traveling all the way from from Nueva Ecija, for 8-10 hours just to visit me. And they have to find money for transport fares and food they can bring for me. They put aside their own health conditions and their old age to ease their longing for me. But for some reason, after one year, I am still here in prison even though I have not committed any wrongdoing, even in our country.
To all of you who continue to support me, wherever country or community you are from, I continue to ask for your help. I wish for nothing more than to be with my family who have been separated from me for more than 16 years. I hope to be given the opportunity to take care of my parents while they are still alive and especially my children whom I did not have the chance to watch grow up. I want to make them feel that they have a mother who loves them very much.
I am very grateful for all of you who support me, you who are truly genuine in spirit, ready to help me attain my immediate freedom. Thank you very much and may God repay your kindness to me and my family.
GOD BLESS US.
Signed: Mary Jane F. Veloso



![[Polyeto]: PALAYAIN SI MARY JANE VELOSO!](https://migranteinternational.org/wp-content/uploads/2026/06/FREE-MARY-JANE1-150x150.png)



